Saturday, January 14, 2012

ANDROID: Frequently Asked Questions

FAQ

Root? ano yun?
Ginagawa po ito para magkaroon tayo ng access sa system. Ihalintulad na lang natin ito sa "administrator" rights sa windows.
Pareho lang ba ang ROOT (Android) sa HACK (Symbian) at JAILBREAK (iOS)?
Hmm... opo. Pero may maliit na pagkakaiba lang pagdating sa Jailbreak at Hack.
Sa android kasi, hindi mo na kailangan pang mag root para makapag install ng games at applications na hindi galing sa Android Market (Jailbreak) at hindi mo na rin kailangang mag root para makapag install ng games at applications na hindi signed ng sarili mong certificate / digital signature (Hack).
Pumunta sa settings -> applications -> at lagyan ng check ang Unknown Sources.
Mawawala ba ang warranty ko pag nag root?
Technically, yes. Kung babasahin mo kasi yung warranty statement / letter, nakasaad doon na hindi covered ng warranty ang pagkasira ng iyong unit ng dahil sa "unauthorized modification" o "improper installation of applications".
Eh 'di ibig sabihin, madaling malaman ng technician kung naka-root ka?
Kung root lang ang tangi mong gagawin sa phone mo, hindi na ito mapapansin.
Mawawala ba ang root pag nag update ako ng official FW?
Opo.
Yung apps ko mawawala rin pag nag update ako ng official FW?
Depende po.
May mga FOTA (Firmware Over-The-Air) kasi na hindi na nangangailangan pa ng Wipe / Factory Reset kung kaya't walang mawawalang apps sa inyong phone.
Kung gagamit ka naman ng 3rd party PC Software para mag flash ng official update, mangangailangan po ito ng Wipe at mabubura po yung mga apps na naka-install sa phone.
Ang payo ko po bago mag update, i-backup po ninyo ang inyong apps sa pamamagitan ng Titanium Backup (kailangan ng ROOT) o anumang backup utility.
Pwede ko ba i-root ulit?
Opo, kung may available na exploit (rooting app/tool) para sa phone at os version mo.
Kunwari nag-update ako from Custom ROM version 2.2 to Custom ROM 2.3? Mawawala ba ang root? Mawawala ba ang apps?
Root, hindi.
Apps sa phone, depende kung kasama sa instructions ng developer na mag complete wipe bago / pagkatapos i-flash yung bagong version ng ROM kaya i-backup muna lahat ng apps para sigurado.
Maaari rin gamitin ang NAND-Backup kung mayroon ka.
After ko mag-update nag fo-force-close yung ibang apps na ni-restore ko from Titanium Backup, ano gagawin ko?
Reinstall mo lang yung apps.
Bakit kinakain lagi yung load ko?
settings --> wireless & networks --> Mobile Networks --> DISABLE Packet Data / Mobile Data
settings --> accounts & sync --> DISABLE Background Data
Bakit mabilis maubos battery ko?
settings --> accounts & sync --> Disable Background Data
settings --> applicatons --> manage applications --> try to force stop some 3rd party apps that you don't need.
settings --> wireless & networks --> Mobile Networks --> Use 2G Networks Only
settings --> display --> Disable light/brightness sensor
More Sensors Enabled, More widgets, Brighter screen/wallpaper, Live Wallpaper, Overclock = more battery consumption
Bakit mabilis mag full-charge pero mabilis din maubos?
settings --> about phone --> status --> battery status --> FULL (Make sure na yan ang nakalagay.)
calibrate your battery (kung rooted at naginstall ka ng bagong ROM)
Ginawa ko na yan pero bakit isang araw lang mahigit tumatagal battery ko?
Ganyan po talaga ang mga bagong smartphones, sadyang malakas kumain ng battery.
This is caused by a number of things; screen resolution, screen brightness, sensors, cpu frequency, poor battery capacity, background apps / widgets, etc., etc.
Depende na rin po sa kung paano niyo gamitin ang iyong phone.
Kung gagawin mong parang PSP na pang games o PC na pang browse, malamang, hindi aabutin ng kalahating araw iyan.
Eh di i-charge ko na lang ulit. Masisira ba pag charge ako ng charge?
Sa totoo lang, mas mabuti pa na i-charge siya tuwing lumalabas yung Low-Battery warning kaysa laging inuubos yung laman ng battery bago mag charge. Mas mabilis masira ang battery ng iyong android phone kapag lagi mong sinasagad sa 0%.
Ah ok. Gamitin ko na lang habang naka-charge. Pero bakit ang init ng phone?
Normal lang po na umiinit ang battery habang naka-charge o habang ginagamit. Kapag ginamit mo habang naka-charge, mas lalong iinit yung phone.
Pero maiba tayo. Ok lang ba na gumamit ng Task Killer?
Para sa akin, hindi na kailangan ng Task Killer. Gaya ng Windows, may sariling pamamaraan ang Android sa pag manage ng RAM.
Mas maigi na lang na i-freeze or alisin yung mga apps na hindi natin kailangan / ginagamit.
Ingat lang po sa pagtanggal ng system apps at baka magloko ang iyong phone.
Eh Anti-Virus?
Kung maingat ka naman sa paglipat ng files mo, hindi mo na siguro kailangan nito. Pero kung marami namang RAM ang iyong phone at kung sigurista ka, wala akong nakikitang problema kung maglalagay ka ng AV.
Pwede mo rin basahin ito for a more detailed explanation --> http://www.symbianize.com/showthread.php?t=518878 credits to sir hmx_ryan



credits to: HHubs of Symbianize

0 comments:

Post a Comment